“Kahit ngayon ay mapait ang aking dinadaing; mas mabigat ang aking paghihirap kaysa sa aking paghihinagpis.
Makikipagtalo ba siya laban sa akin sa kadakilaan ng kaniyang kapangyarihan? Hindi, pakikinggan niya ako.
Doon maaaring makipagtalo sa kaniya ang taong matuwid. Sa ganitong paraan mapapawalang-sala ako magpakailanman ng aking hukom.
Tingnan ninyo, pumupunta ako pasilangan, pero wala siya roon, at pumupunta ako pakanluran, pero hindi ko siya maramdaman.
Sa hilaga, kung saan siya gumagawa, pero hindi ko siya makita, at sa timog, kung saan niya tinatago ang kaniyang sarili para hindi ko siya makita.
Pero alam niya ang daanan na aking tinatahak; kapag sinubukan na niya ako, lilitaw ako tulad ng ginto.
Nanindigan ang aking mga paa sa kaniyang mga yapak; pinanatili ko ang pamamaraan niya at hindi lumihis.
Hindi ko tinalikuran ang mga kautusan ng kaniyang mga labi; iningatan ko sa aking puso ang mga salita ng kaniyang bibig.
Pero kakaiba siya, sino ang kayang magpatalikod sa kaniya? Kung ano ang ninanais niya, ginagawa niya.