Ikaw na sinisira ang sarili sa iyong galit, dapat bang pabayaan ang daigdig para lang sa iyo o dapat bang alisin ang mga bato mula sa kanilang mga lugar?
Tunay nga, ang liwanag ng masamang tao ay papatayin; ang kislap ng kaniyang apoy ay hindi magliliwanag.
Ang mga hakbang ng kaniyang lakas ay magiging maikli; ang kaniyang sariling mga plano ang magpapabagsak sa kaniya.
Dahil siya ay ihahagis sa isang lambat ng kaniyang sariling mga paa; lalakad siya sa isang patibong.
Ang kaniyang kayamanan ay mapapalitan ng kagutuman, at ang kalamidad ay magiging handa sa kaniyang tabi.
Ang mga bahagi ng kaniyang katawan ay lalamunin; tunay nga, ang panganay ng kamatayan ang lalamon sa kaniyang mga bahagi.
Siya ay tatanggalin sa kaniyang tolda, ang tahanan na ngayon ay kaniyang pinagkakatiwalaan; dadalhin siya sa kamatayan, ang hari ng mga takot.
Ang mga tao na hindi kaniyang pag-aari ay maninirahan sa kaniyang tolda pagkatapos nilang makita na kumalat ang asupre sa loob ng kaniyang tahanan.
Hindi siya magkakaroon ng anak o apo sa kalagitnaan ng kaniyang bayan, ni anumang natitirang kaanak ang mananatili kung saan siya natira.
Silang naninirahan sa kanluran ay nanginig sa takot sa kung ano ang mangyayari sa kaniya isang araw; silang naninirahan sa silangan ay matatakot sa pamamagitan nito.